May 19, 2013

              Bumili muna ko ng  headset bago sumakay sa van byaheng Mansalay province, bitbit ang isang 2 malaking bag isa para sa mga gamit ko at yung isa pasalubong para sa mga pinsan sa probinsya, umandar ang van at nang makarating sa magsaysay kinabit ko ang hadset ko sa dalwang tenga para mag soundtrip para hindi maboring!
 aba!?? F*** isang tenga lang ang gumagana peke na nga ang mahal mahal pa, tapos isang earpiece lang pla ang gumgana.. ano pa ba ang magagawa ko sa bagay na yan?
kundi ang tanggapin na gumastos ako sa sirang headset at makinig nalang sa sound na pinoprovide ng radyo sa loob ng van!…
though di ko bet ang mga playlist duon, pero ok na din naman sya pag tiisan sa loob ng apat na oras na byahe, maswerte na din dahil nasa unahan ako nakapwesto…kita ang view, sa tabi ko ay si tatay kalong2x nya yung anak nya parang ako kami lang dati ng papa ko, lagi sinsabi ni papa na tumingin sa malayo para hindi mahilo at pinopoint ang view sa distance  (2hours later)
sumusuka na yung anak nya sa tabi ko mismo ko syempre…
hawak2x ni tatay ang plastic, BUTI NALANG MAY PLASTIC!..
me: tay? tissue po?

tay: ay! salamat!!
pero prang napapansin ko na medyo malagkit ang tinatapakan
Oh may gad!!! butas po yung plastic tatay!!!!”
“butas nga noh!? duon ka sa labas suka nak!”

napapaduet tuloy ako….i feel sick!!!!)
4 hours later sinalubong ako ng pinsan ko, bumaba ako sa van at nakita ko ulit ang probinsya namin after 10 years parang walang pinagbago, same people, same vehicles, same stores, mga desenyo di napapalitan niluma nalang ng panahon, kuntento na tlaga ang mga tao dito sa buhay nilang ganito,.. wla lang gnito lng?…
lumilipas ang panahon, tumatanda ang tao pero ang walang bago?
           sa sobrang bihira ng mga magagandang at masayang nangayayayri sa buhay ng mga  pinsan ko eh, naalala pa nila kung anu2x yung mga bagay na ginawa namin mga ginawa ko bago pa ko umalis sa sa lugar na yun,

naikwekwento nila kahit yung pinakamaliit na detalye ng mga bagay na halos di ko na din naman maalala dahil masyado marami na nangyari sa buhay ko, mga bagay na natabunan na ng mas magagandang ala-ala…
hindi naman sila mahirap pero yung kuntento na,
binisita ko ang lola ko na nagbabantay sa luma naming bahay na naduon padin, sa sobrang tanda nya di na din nya ko maalala sabi nya “buti ka pa nakakaalala bumisita sakin!”
ayaw ko sana sya puntahan dahil baka pag umalis nanaman ako eh, umiyak nanaman sya, syempre iiyak din ako dahil kailangan ko umalis at mag patuloy sa buhay ko,
ang dami nya kinkwento paulit ulit ulit…. tapos tanong na sinasagot ko din naman ng walang sawang paulit ulit ulit…
habang naka upo ako sa kama ng lola ko napansin ko ang mga pinsan ko ayaw lumapit dahil natatakot na sila kay lola, dahil daw di na nga makakakilala.
nilibot ko yung buong bahay namin na sobrang luma, mukha na haunted house, mga lumang picture, damit, yung kama, stuff toys, mga sulat at cards, gusto ko kunin lahat dahil madami masyadong ala-ala ang bawat gamit pero narealize ko parang masyadong mabigat, mahihirapan ako di ko naman na magagamit yung mga gamit na yun, so mas mabuti iwan nalang sila kung saan man sila nakapwesto,maliban sa photo album!… nilagay ko sa loob ng bag ko.
kumain kami ng hapunan at duon na din ako natulog, syempre dahil walang t.v., internet, maaga ang tulog, nagising ako sa sobrang lamig ng madaling araw duon
6am alis ng bus papuntang manila kaya, maaga ako naligo at dahil sa ilog ako maliligo wala ako damit pambasa kaya pinahiram ako ng mga pinsan ko!, kaya masasabi ko na din pinakain nila ko at binihisan…
ngaun nalng din ulit nakaligo sa ilog na yun,
sa ganun kaaga ang dami na ng mga naglalaba a nag iigib…
mga pamilyar na mga mukha nakatingin sakin sabi ko sa sarili ko ano kaya ang iniisip ng mga toh?
after 10 years?
gumanda ba ko o pumanget? nginitian k nalang sila as sign na naalala pa kita!
maya2x sinundo na ko ng pinsan ko dahil 6am na baka maiwan ng bus na byahe sa manila.
nagpapalibre ang pinsan ko marami silang pagkain na gusto kainin pero sabi ng tita ko
“wala nang pera yan si ate mo! wag na mag palibre”
tapos kumuha sya ng wallet at inabot sa akin ang 500php!
me: ano po toh ante?
ta melda: idagdag mo yan sa pera mo?me: hindi po! kasya po yung budget ko!ta melda: hindi! idagdag mo yan!me: utangin ko nalang po ta melda!
ta melda: wag na, bigay ko yan sayo..
di ko alam kung maiiyak bako o ano? ano ba dapat ang maging reaksyon ko!
yung tipong himbis ako ang magbigay ng tulong sa kanila…(naiyak ako talaga)
niyakap ko nalang sya!
sige sige na! at maiwan ka ng bus!”..
nagpaalam ako
sumakay ako mula sa taas tinitignan ko yung mga pinsan ko sa mula bintana ng bus, kinakwayan ko sila ng mabilis!..
umandar ang bus at kinakawayan ko sila hanggang sa mawala sila sa panigin ko..
sumandal ako sa upuan..
at huminga ng malalim!.. pumikit.. at umidlip.

Advertisements
May 19, 2013

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s